33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

DOTr, isapubliko ang supplier ng modern jeepneys – Sen. Koko

DAPAT isapubliko ang kumpanyang nagsu-supply ng modern jeepneys.


Ito ang hamon ni Senate Minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Department
of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.


Sinabi ni Pimentel na bago pa lamang ipinatutupad ang PUV modernization program,
dapat inilabas na ng DOTr ang pangalan ng kumpanya at bansa ng panggagalingan ng
modern jeepney na pamalit sa traditional jeepney.


Tinanong din ng senador kung sino ang middleman o contractor na tiyak na kikita ng
malaki sa proyekto.


Tila raw may itinatago ang DOTr dahil pinipilit ang mga jeepney operators na sumali sa
kooperatiba at mangutang ng ₱2 milyon para makabili ng modern jeepney.

BASAHIN  NIA, binatikos ng Senado dahil sa kapalpakan


Idiniin ni Pimentel na dahil gagamitin ang pera ng gobyerno sa halagang ₱200,000 na
subsidy, dapat ay nagkaroon ng bidding ayon sa “Government Procurement Reform
Act”.


Nauna nang sinabi ni Pimentel na dapat suspindihin muna pansamantala ang
programa hanggang hindi nareresolba ang mga isyu rito, pati na rin ang ilan sa hamon
na kanyang mga ibinangon.


Sinabi ng isang observer na sa halip na ipilit ang sobrang mahal na Chinese-made mini-
bus, dapat tinulungan muna ng gobyerno ang mga lokal na manggagawa ng jeepney
para makapag-desenyo ng yunit na pasok sa pamantayan ng DOTr, magbubukas pa ito
nang maraming trabaho sa ating manggagawa at makatitipid pa sa foreign exchange.
Ano nga raw ba ang itinatago ng DOTr?

BASAHIN  PUV modernization, tuloy na tuloy na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA