33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

92 Nasawi, 250 nawawala sa Japan earthquake

UMABOT na sa 92 ang nasawi, 250 ang nawawala, at 300 ang nasaktan matapos ang
7.6 magnitude na tumama sa Ishikawa Prefecture, Japan nitong Enero 1.


Ayon sa “BBC News”, 20 ang malubha sa 300 residente na nasaktan. Pinalala pa ang
rescue efforts ng masamang panahon.


Sa bayan ng Suzu at Wajima, nangangamba ang awtoridad dahil sa maraming residente
ang na-trap sa kani-kanilang bahay at pahirapan pa rin ang rescue efforts, dahil sa
landslides, at hindi madaanang mga kalsada.


Umabot na sa mahigit 32,800 ang mga residente na nasa evacuation centers. Libo-libo
pa ring residente sa Ishikawa prefecture ang walang kuryente, tubig, at pagkain.
Tinatayang mahigit 200 gusali at mas maraming bahay ang pinagbagsak ng lindol.

BASAHIN  Handa ka na ba kapag dumating ang di-maiiwasang kalamidad?


Naghahabol ngayon sa oras ang mahigit 4,600 na miyembro ng Japan Self-Defense
forces sa kanilang pag-rerescue ng mga biktima dahil sa inaasahang malalakas na pag-
ulan sa mga susunod na araw na lalo pang magpapahirap sa rescue efforts.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na gagawin nila ang lahat para maabot
ang mga komunidad na nangangailangang i-rescue.


Samantala, patuloy daw na minimonitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang
mga kaganapan sa Japan, ayon kay DMW OIC Leo Hans Cacdac.


Mayroon daw halos 1,194 mga Pilipino ang nakatira sa Ishikawa at Toyama Prefectures.
Karamihan sa OFWs na apektado ay nagtatrabaho sa manufacturing, welding, at
carpentry sectors.


Walang casualties na Pilipino sa mga nabanggit na lugar, pero naiaulat na 35 sa kanila
ang nag-evacuate dahil sa banta ng tsunami.

BASAHIN  Pinay nurse, nasawi sa Israel; hindi iniwan ang Pasyente

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA