4 na Pinoy, bahagi na ng Permanent Court of Arbitration

0

Kinumpirma ng Permanent Court of Arbitration Sa The Hague, Netherlands ang appointment ng apat na Filipino bilang miyembro nito.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sina Dr. Raul Pangalangan, Prof. Sedfrey Candelaria, Dr. Antonio Gabriel La Viña at Philippine Ambassador Eduardo Malaya ang mga bagong miyembro ng PCA na rumeresolba sa international disputes.

Si Candelaria, isang Law Professor sa Ateneo De Manila University, ay pinuno rin ng Office Of The Research, Publications And Linkages Office sa Philippine Judicial Academy.

Isa ring Law Professor sa University of the Philippines si pangalangan, na nagsilbing judge ng International Criminal Court mula 2015 hanggang 2021.

Naging miyembro naman ng PCA Specialized Panel Of Arbitrators And Experts For Environmental Disputes si La Viña mula 2016 hanggang 2022, at kasalukuyang Associate Director para sa Climate Policy And International Relations sa Manila Observatory.

Si Malaya naman ang tumatayong Philippine Ambassador To The Netherlands, at Acting President ng PCA Administrative Council para sa taong 2023 hanggang 2024.

About Author

Show comments

Exit mobile version