Wooden Dragon Stamps!
Ang paglalabas nang katangi-tangi, kaakit-akit, at makulay na stamps ay isang
kakaibang paraan sa pagsalubong ng PhilPost sa 2024.
Ayon sa PhilPost o Philippine Postal Corporation, nai-release na ang “2024 Year of the
Wooden Dragon” postage stamps kasabay nang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang dragon ay simbolo ng “strength, courage, creativity and innovation”. Ito ang ika-
lima sa 12 Chinese zodiac animals.
Inaasahan ng PhilPost na ang 2024 ay pasimula ng taon ng oportunidad at mas
magandang buhay para sa mga Pilipino.
“Naniniwala kami na ang Wooden Dragon ay magbubukas ng mga bagong pintuan ng
oportunidad, habang naghahanda sa pagbubukas ng Barangay Postal Stations sa buong
bansa, na magpapabilis nang paghahatid ng sulat,” ayon kay Postmaster General Luis
Carlos nitong Biyernes, sa wikang English.
Magiging standard na rin daw ang paglalagay ng address sa bawat sulat o parcel dahil sa
bagong 7-digit alphanumeric Zip Code sa buong bansa. Kasabay nito ang “Real Time
Visibility System” na gagawing modern at mapabibilis ang operasyon ng ahensya.
Nag-imprenta ang PhilPost ng 20,000 kopya ng dalawang stamps na may presyong P16
at P45. Magbebenta rin ng 2,500 piraso ng limited collector’s item ng stamps sa
halagang P200 at P800 naman para sa cover envelopes.
Ang makulay na stamps ay dinisenyo ni Ryman Dominic Albuladora in-house graphic
artist ng PhilPost.
Maaari nang makabili ng souvenir sheets sa ikalawang palapag ng Annex Building,
Manila Central Post Office.