Pinarangalan ng Southern Police District – Mobile Force Battalion (SPD-MFB) ang isang pulis dahil sa pagiging tapat sa serbisyo at sa sinumpaang tungkulin.
Ito’y matapos magpakita ng act of goodwill noong bisperas ng Bagong Taon nang makapulot ng wallet na naglalaman ng pera sa isang kalsada ng Parañaque City.
Batay sa ulat, nagsasagawa ng routine police visibility and mobile patrolling duty sa Okada Manila sina PCpl. Morota at PCpl Cruz, bandang 4:30 ng hapon Bisperas ng Bagong Taon nang makapulot ng itim na wallet sa sidewalk malapit sa gusali.
Nang kanilang tingnan ang wallet ay nakitang may laman itong ₱22,000 at ilang identification cards na pag-aari ng isang Khevin Yu.
Ipinaalam ito ng dalawang pulis sa kanilang tanggapan upang malaman kung saan nakatira si Yu at maibalik ang kanyang wallet.
Binigyang diin naman ni SPD Director PBGen. Mark Pespes na nagpakita ng kagitingan ang dalawang pulis.
“This noble act of returning the lost wallet reflects ring dedication to the public, embodying the essence of an outstanding example, proving that the PNP still stands as a beacon of honor, honesty and reliability within the community,” ayon kay PBGen. Pespes