33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

PBBM, nagpaabot ng pakikiisa sa Japan

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Japan matapos itong tamaan ng magnitude 7.6 na lindol.

Kaugnay nito, nangako si PBBM na handang magbigay ng tulong ang Pilipinas sa Japan.

Tiniyak din  ng Pangulo sa publiko na binibigyang pansin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino roon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Japan, walang nasaktan o namatay na pilipino dahil sa malakas na lindol, at tiniyak din ni DMW OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac na binabantayan ng kanyang departamento ang kalagayan ng mga Pinoy doon.

Dagdag pa ni Usec. Cacdac, may kabuuang 1,194 na Pilipino sa nabanggit na mga lugar, kung saan mayroong 469 Pinoy sa Ishikawa at 725 naman sa Toyama.

BASAHIN  Dapat kumilos ang US, mga kaalyado vs China bullying

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA