33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Mas maraming Igorot na doktor – Gov. Diclas

Magiging marami ang mga doktor na Igorot sa hinaharap.


Ito ang inaasahan ni Benguet Governor Melchor Diclas, matapos maging isang ganap na
batas ang Republic Act (R.A.) No. 11970 na lumilikiha sa College of Medicine ng Benguet
State University (BSU).


Matatandaan na nitong Disyembe 20, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang
naturang batas na magbubukas ng daan para makapag-aral ng medisina ang mga
kabataang Igorot, pati na rin iba pang ethnic groups sa buong rehiyon.


Lubos na nagpasalamat si Diclas kina Marcos pati na kay Benguet Lone District Rep. Eric
Go Yap, awtor ng naturang batas.


“The establishment of the Benguet State University-College of Medicine is historic as it
becomes the first institution of its kind in our province and the first state university in
the region to offer Doctor of Medicine [Program],” ayon kay Gov. at Dr. Diclas, na isa
ring surgeon.

BASAHIN  Court of Appeals: Copper mining sa South Cotabato pinahihintulutan na

Makatutulong daw ang paglikha ng college of medicine sa BSU sa “Study Now, Pay
Later” program ng pamahalaang panlalawigan para sa gustong maging doktor sa 13
munisipyo ng Benguet. Nagbibigay ang programa ng financial assistance sa mga iskolar
nito para sa tuition, libro, at cash allowance.


“The future of health care in Benguet is brighter, and I am confident that future
graduates of the Benguet State University-College of Medicine will play a significant role
in shaping [up] a healthier Benguet and a healthier Cordillera,” pagtatapos ni Diclas.

BASAHIN  Libreng video drama para sa mga Ilocano

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA