33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Walang krisis sa land transportation – LTFRB

Simula sa pagpasok ng Bagong Taon bukas, tiniyak ng Land Transportation and Regulatory
Board (LTFRB) na hindi magkakaroon ng krisis sa land transportation sa kahit na saang
bahagi ng bansa.


Ginawa ang deklarasyon sa harap ng kaliwa’t-kanang protesta ng PISTON at iba pang
transport groups na tutol sa implementasyon ng jeepney modernization program ng gobyerno.


Binibigyan lamang nang hanggang sa ngayong araw, Disyembre 31 ang operators ng Public
Utility Vehicles (PUVs) para magsamasama bilang isang grupo sa kooperatiba kaugnay ng
programa.


Kahit holiday ngayon, bukas ang tanggapan ng LTFRB ngayong araw para sa mga gustong
humabol sa consolidation.


Umabot na sa 14,000 o 33.21 percent ng mga jeepney sa NCR ang na-consolidate na bago
dumating ang deadline, ayon kay Zona Tamayo, LTFRB-NCR Director.


“This number, for the month of December alone, exceeds already ‘yung [para sa] buong taon
ng 2023 na meron na kaming na-fully accredit na 65 kooperatiba. So, ito na po ‘yung aming
ine-expect na tuluy-tuloy ‘yung pumupunta sa amin [na jeepney operators para mag-
consolidate],” ayon kay OTC Chairman Andy Ortega.

BASAHIN  Dagdag allowance, benepisyo, sa manggagawa


Samantala, matatandaang sinabi ni Senador Imee Marcos kamakailan na dapat muling pag-
aralan ang PUV modernization program (PUVMP) dahil ito ay anti-poor at halos lahat ng
karaniwang jeepney operators ay walang kakayahang pinansiyal para magbayad ng P300,000
cooperative membership fee, lalo na ang sobrang mahal na modern jeepney na nagkakahalaga
nang mahigit P2 milyon.


Sinabi ni Lucino Soriano, dating guro at legal researcher na dapat, bago pa nagsimulang
ipatupad ang PUVMP: 1) Pinag-aralan muna ng DoTr ang viability nito base sa kakayahang-
pinansiyal ng driver-operators; 2) Nag-invest muna ito sa development at produksyon ng
isang modern jeepney sa tulong ng DoST at local jeepney manufacturers; 3) Hindi dapatbinago ang basic design ng traditional jeepney dahil iconic, sumasalamin ito sa ating kasaysayan at kultura; at 4) Dapat maging staggered o hindi sabay-sabay ang implementasyon ng PUVMP sa buong bansa, inuuna muna sa NCR at iba pang urbanisadong lugar bago sa malalayong komunidad.

BASAHIN  SC, pinasasagot ang DOTr sa petisyon ng PISTON


Idiniin ni Soriano na ang pagpapalakas sa ekonomiya ng China, sa pamamagitan nang pag-
import ng “modern jeepneys” mula rito ay taliwas sa national security at economic programs
ng Marcos Administration.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA