33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Militar, pulis, huwag magpaputok ng baril sa Bagong Taon – Binay

Maging responsableng gun owner.


Ito ay paalala ni Senador Nancy Binay sa mga may-ari ng baril, partikular ang militar at pulis, sa pagsalubong sa Bagong Taon.


“Alalahanin po natin na may karampatang responsibilidad ang pagbitbit natin ng baril. Huwag sana basta-basta gamitin ang mga ito upang maiwasan ang mga casualty lalo pa sa panahon na dapat nagdiriwang ang lahat”, ani Binay.


Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP), mayroong pitong insidente nang
pagpapaputok ng baril ang naganap magmula Disyembre 16, na ikinasugat ng pitong
indibiduwal.


Lima sa pitong nagpaputok ng baril — dalawang pulis, dalawang sundalo, at isang sibilyan
ang nahuli ng pulisya; kinumpiska na rin ang kani-kanilang baril. Hindi pa nakikilala ang
dalawang suspek.

BASAHIN  117-k sundalo, ide-deploy ngayong halalan bilihan ng boto, sa Visayas, Bulacan


Sinabi pa ni Binay na dapat maging mahigpit sa pagmo-monitor na mga nagtitinda ng
paputok, parikular ang mga nagbebenta ng ilegal na paputok.


Dapat daw mahigpit na ipatupad ng PNP at LGUs ang Republic Act No. 7183 na nagre-
regulate ng pagbebenta, pamamahagi, produksyon, at distribusyon ng pyrotechnic devices,
aniya pa.


Samantala, umabot na sa 107 ang fireworks related injuries, ayon sa Department of Health.

Karamihan dito o 38 percent ay sa NCR, tig-11 percent sa Central Luzon at Ilocos Region, 7
percent sa Soccsksargen, at 5 percent mula sa Cagayan Valley.

Kaugnay nito, isang 19-taong lalaki mula sa Cagayan Valley ang naputulan ng kaliwang
kamay dahil nasabugan ito ng pla-pla.

BASAHIN  Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA