Hiniling ng isang party-list Rep. na kanselahin ang job termination ng 80,000 barangay
health workers (BHWs), nang walang due process, matapos ang nakaraang barangay at
Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Sinabi ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co na nasa proseso na nang filing ang mga
petisyon at supporting documents para makumbinsi ang local health boards na maibalik sa
trabaho ang 80,000 BHWs.
“What worries us now is many barangays have compromised primary health care frontlines
because their newly-elected barangay chairpersons dismissed or terminated the volunteer
services of their barangay health workers… We will continue [with] our efforts to defend the
BHWs and have them reinstated after due process,” saad ni Co.
Sinabi pa ni Co na mahaharap ngayon ang mga mamamayan sa “seasonal diseases” na
magmumula sa El Niño at La Niña.
Dapat daw na magkaroon nang mas mahusay na “Heat Index warning system” ngayong
paparating na ang tagtuyot bunsod ng El Niño. Sa mga pagbaha dulot ng La Niña,
inaasahang darami ang kaso ng leptospirosis at gastrointestinal diseases.
Kikilos daw si Co para tiyakin — sa pakikipagtulungan ng Senado — na maging isang ganap
na batas ang “Magna Carta of Barangay Health Workers”, para sa kanilang proteksyon.
Kapag naisabatas, ang accredited BHWs ay makatatanggap ng hazard allowance,
transportation allowance, subsistence allowance, one-time retirement cash incentive, health benefits, insurance coverage and benefits, vacation and maternity leaves, at cash gifts.
Samantala, sinabi ng isang netizen na dapat pinigilan ng Department of Interior and Local
Government ang pagtanggal sa 80,000 BHWs, dahil marami sa mga ipinalit sa kanila ay hindi naman kwalipikado at kulang sa training; naipwesto lang dahil sa pagtulong sa kampanya ng kapitan. Napatunayan ang dedikasyon at propeyonalismo ng mga dating BHWs lalo na noong pandemic, kaya hindi sila dapat na tinanggal nang walang due process.