Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry Service simula bukas, December 27, 2023.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, magiging normal na ang operasyon ng ferry service mula December 27 hanggang 29.
Gayunman, muling sususpindihin ang operasyon nito sa December 30, 2023 at January 1, 2024.
Una nang sinuspinde ng MMDA ang serbisyo nito noong December 25 at 26, upang isailalim sa maintenance activities ang mga ferry boat at magsagawa ng clean-up activities sa lahat ng istasyon sa panahon ng holiday break.