Bumaba sa 67 percent ang insidente ng krimen ngayong Kapaskuhan, kumpara sa magkatulad na panahon noong 2022, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, umabot lamang sa 34 focus crime ang naitala bago nag-Pasko. Katumbas ito ng ng 55.34 percent na mas mababa kung ihahambing sa 101 krimen na naganap sa kaparehong panahon noong 2022.
Kasama sa listahan ng focus crimes ang murder, homicide, rape, theft, physical injuries, car-jacking at robbery.
Ayon pa kay Fajardo, sa pangkalahatan, payapa naman at walang anomang insidente ng karahasan ang naitala ng PNP sa buong bansa ngayong Pasko.
Samantala, pinasalamatan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng mga pulis sa buong bansa sa kanilang dedikasyon para mapanatili ang kapayapaan.