33.4 C
Manila
Friday, December 20, 2024

Mga Villar, sinisi ng resort owner, sa pagbaha sa Parañaque; DENR, inutil?

Inihayag ng isang resort owner na sinisisi siya ng mga residente ng apat na subdibisyon sa  Parañaque dahil sa pagbaha ang nagsabi na nag-alok na siya ng solusyon sa pamilya ni Senador Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar, pero tinanggihan daw nila ito.

Ayon sa negosyanteng si Selwyn Lao sinulatan niya noong 2015 si Senador Cynthia dahil diumano, hindi raw umaksyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanyang reklamo tungkol sa bahagi ng kanyang lupain na nakuha ng subdibisyon ni Villar at ginawa raw itong kalsada.

“I was forced to write a letter to the Senate because the DENR told me to fix my own problem — not them — because all their appointments will go through the Senate,” ayon kay Engineer  Lao, ang nagmamay-ari ng Wing-An Garden Resort. 

BASAHIN  Mag-asawang Villar, 60 iba pa kinasuhan dahil sa nawawalang creek sa Parañaque City

Hindi raw binigyan si Lao nang pagkakataon na ipresinta ang solusyon na kanyang iniaalok [para malutas na ang problema sa pagbaha], dagdag pa niya.

Patuloy na nananatiling pipi o tahink ang mga Villar, Camella Homes, at DENR tungkol sa isyu, ayon pa kay Lao.

Sinabi ni Lao, magmula noong 2015, sumulat na siya sa ilang tanggapan ng gobyerno para matulungan siyang malutas ang problema sa “creek encroachment” ng Camella Homes pero hanggang sa ngayon, walang anomang sagot, ni pagkilos ang gobyerno.

Sinabi ng ilang netizens na dapat humiling si Lao, pati na ang mga apektadong residente na dapat magkaroon ng imbestigasyon ang Senado tungkol sa problema, dahil sangkot daw rito ang kaligtasan at kabuhayan ng maraming taxpayers.

BASAHIN  Wb: Top 5 ang Pilipinas sa utang

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA