Walang namomonitor na seryosong banta ang Philippine National Police sa gitna ng holiday celebration sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, bumaba ang naitalang crime incidents sa bansa ng halos dalawampung porsyento.
Gayunman, pinapayuhan pa rin ng PNP ang publiko at maging ang mga otoridad na huwag maging kampante.
Dagdag pa ni Col. Fajardo, sa kasalukuyan ay nananatiling payapa ang pagdaraos ng Simbang Gabi at wala ring naitalang major significant incident ang pambansang pulisya.