33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

PRC magpapadala ng 35 doktor sa Gaza

MAGPAPADALA ng 35 Pinoy doctors ang Philippine Red Cross (PRC) sa Gaza Strip ayon kay Richard Gordon, chair at CEO.

Sa isang interview sa TV program na Headstart sa ANC, sinabi ni Gordon na ang Palestinian Red Crescent ang in charge sa Gaza, pero pinoproseso na ang dokumento ng 35 mga doktor na ipadadala, matapos misapinal ang negosasyon sa Egyptian Red Crescent.

Hindi raw papayag si Gordon na maipadala sila sa underground hospitals, sa halip sa mga pribadong kampo na kung saan madali silang makilalang taga-Red Cross. Ang kaligtasan daw ng mga doktor ang pinakamahalaga, dahil naroroon sila para mabawasan ang paghihirap ng mga bata, babae, at mga matatanda na mahihina.

BASAHIN  6 na Bansa, nais sumama sa joint patrol sa WPS

Dagdag pa ni Gordon, “We were able to put up full-fledged emergency hospital tents during Yolanda in partnership with the Red Cross Societies of Finland and Canada. We can do it in Gaza too. We need to set up standalone camps to ensure that our Filipino doctors will be safe.”

Ang pagdi-deploy daw ng field hospital, sa ilalim ng pamamahala ng Palestianian Red Crescent, ay isang katibayan nang dedikasyon ng PRC para maibsan ang mahihirap na kondisyon sa Gaza, pagtatapos ni Gordon.

BASAHIN  PCUP, Mercury Drug sanib-puwersa para sa libreng gamot ng mga urban poor

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA