Maselang video ni Ronaldo Valdez, kalat sa social media

Hindi pinansin ng mga nag-post sa social media ang pakiusap ni Janno Gibbs at ng pamilya nito na igalang ang kanilang pagdadalamhati, dahil sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

“The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment,” ayon sa pakiusap ni Janno.

Maraming mga post sa social media ang nagbigay ng detalye ng eksena sa pagkamatay ni Valdez, magmula nang naganap ito nitong Linggo, Disyembre 17.

Walang pakialam ang ilang nag-post na tila gahaman at gustong makakuha nang maraming views nang ipakita nila ang pagpasok ng mga pulis sa silid ni Ronaldo at patuloy na ipinakita ang maselang eksena sa loob nito.

Muling nakiusap ang pamilya ni Janno na irespeto ang kanilang pinagdaraanan at huwag nang ikalat pa ang video.

IBA PANG BALITA

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...