33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Viral: ‘Devil woman’ post ni Annabelle Rama

“DEVIL WOMAN”!


Ito ang bahagi ng nag-viral na post kamakailan ni Annabelle Rama — nanay ni Richard
Gutierrez — sa December 10 Facebook post nito tungkol sa isang napakasamang babae.

Sa post, inilarawan ni Rama ang babaing ito na “Makamandag, manipulative, BEST LIAR” .
Walang maisip ang fans kung sino ang pinsasaringan ni Rama, dahil wala naman itong naiulat na kagalit. Hindi raw kaya si Sarah Lahbati, ang kanyang manugang at asawa ng anak na si Richard ang tinutukoy ni Annabelle?


Sinabi ni Rama bilang isang clue ang pangungusap na ito, “Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kong babae na DEVIL WOMAN.”


Ang Gone Girl ay isang 2014 psycho-thriller movie na dinirek ni David Fincher; pangunahing artista rito sina Ben Afflek at Rosamund Pike. Ito ay kwento nang nasisirang pagsasama ng mag-asawa at isang taong may topak na tao na hindi titigil hanggang hindi makapaghiganti.

BASAHIN  Vic Sotto, magiging tatay ulit


Matapos mag-bash ng netizens sa kanyang nag-viral na post, nagsisisi na diumano si Rama
matapos siyang maghayag nang hinaing sa isyu sa pagitan ng mag-asawang Richard at Sarah.

Halos isang buwan na raw na hindi magkapisan sina Richard at Sarah, at nakatira ito sa kanya; malamang, makakalipat na raw ito after Christmas.


Tila isang mangwawaldas ng pera ang tingin diumano ni Annabelle sa manugang, dahil kahit kayod-kalabaw ang kanyang anak pero diumano, inuubos lang ito ni Sarah.


Ayon sa ilang fans, kung totoo nga raw na naghiwalay na ang mag-asawa, kanino mapupunta ang kanilang anak na sina Zion at Kai?

BASAHIN  ‘Practical shopper’ si Charlene – Aga,pinatatamaan kaya si Sarah Lahbati?


Sinikap abutin ng Brabo News si Lahbati para kunin ang kanyang panig, pero nabigo ang aming staff.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA