33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Paskong-Pasko na sa Muntinlupa – Biazon

Damang dama na talaga ang simoy ng Pasko sa lungsod ng Muntinlupa!


Bukod sa makulay, nakaaaliw na Christmas displays sa lungsod, nadagdagan pa ng rason para magsaya lalo na ang Christmas shoppers dahil sa pagbubukas ng Christmas Bazaar sa binagong Alabang Central Market (ACM).


Nanguna kamakailan si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa muling pagbubukas nang inayos na Building B ng ACM para mapaglingkuran pa ang mas maraming Christmas shoppers at
makabili ng murang pamasko.


Ang binagong gusali ay may 357 na pwesto para sa general merchandise, salon services, at dry goods, samantalang naroon ang wet market section sa Building A, na binuksan nang mas maaga.

BASAHIN  Number coding scheme, suspendido sa Pasko at Bagong Taon


Para matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili, may indibiduwal na power supply, air handling system, fire protection system, fire detection and alarm system, at rainwater collection system.


Samantala, sinabi ng isang netizen na kapuripuri ang sistema nang pagkolekta ng tubig mula sa ulan para gamitin sa ACM. Dapat daw lahat ng malls at palengke ay maglagay ng ganitong sistema para makatipid sa tubig.


Nakabukas araw-gabi, hanggang Enero 2024 ang ACM Christmas Bazaar, magmula 4:00 pm hangang 10:00 pm. O, shop na!

BASAHIN  Muntinlupa PWDs, Senior Citizen nakakuha ng trabaho sa ilang fast food chains

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA