Isang kakaibang exhibit ang ginaganap ngayon sa Barcelona, Spain na nagtatampok sa miyembro ng Jehovah’s Witnesses (JWs) o Saksi ni Jehova na ibinilanggo dahil sa kanilang konsensya o ang pagtangging pumatay ng kanilang kapwa sa digmaan.
Ito ay tungkol sa naging karanasan ng JWs sa Spain na tumangging magsundalo noong 1930’s, World War 2, at mula 1970s hanggang 1980s.
Nagsimula ang exhibit sa Barcelona noong Oktubre 14 at magtatapos sa Disyembre 16, 2023.
Ginaganap ito sa La Modelo Penetentiary, isang dating kulungan na ngayo’y isang museum at cultural center.
Ayon kay history professor Miguel Angel Plaza, naging guest speaker noon sa opening ceremonies, “Walang isa man sa kanila [Saksi ni Jehova] ang nagsalita ng negatibo sa kanilang pinagdaanan habang nakakulong sa bilangguan, maging sa jail guards.Lahat sila ay nanangiti habang kinakapanayam.”
Ito ay dahil ginagamit ng JWs ang kanilang oras sa bilangguan para magturo ng Bibliya sa kapwa-bilanggo, maging sa mga guwardiya.
Dahil dito, maraming bilanggo ang maagang napalaya mula sa iba’t-ibang bilangguan sa mundo, matapos makipag-aral ng Bibliya at mabawtismuhan.
World War 2: Udyok nang konsensya
Matatandaang noong World War 2, ganito ang naging paninindigan ng mga libo-libong lalaking JWs sa Germany, Austria, United States, at iba pang bansa.
Dahil sa pagsunod sa utos ni Jesus na ibigin ang kapwa at huwag pumatay, hindi nagsusundalo ang JWs at patuloy silang nananatiling neutral pagdating sa pulitika.
Ayon kay David Baidez, event coordinator, napapanahon daw ang exhibit, dahil sa ngayon, patuloy pa ring nakakulong ang mahigit 200 mga Saksi ni Jehova sa iba’t-ibang bansa [Russia, Erethrea, atbp.] dahil sa kanilang pagtangging magsundalo at manatiling neutral sa pulitika.