33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

Lalaking may kasong estafa sumuko sa Pasay City

Napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki na may patung-patong na kasong estafa.

Kusang sumuko sa mga otoridad ang akusadong si Aaron Macapagal, 37-anyos, nang arestuhin ito noong Huwebes ng hapon sa Pasay City. 

Inaresto ng mga tauhan ng La Loma Police Station si Macapagal dahil sa tatlong kaso ng estafa, isang Illegal Possession and use of false treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit, at two counts ng paglabag sa Bouncing Checks Law na isinampa laban sa kanya.

Nabatid na hindi makapagpiyansa sa isang kaso ng estafa si Macapagal dahil may service of sentence na ito.

Ayon kay Lt. Col Romil Avenido, hepe ng La Loma Police Station, gumagamit ng fake accounts sa social media ang suspek para makapangloko sa mga biktima sa San Fernando City at Angeles City sa Pampanga.

BASAHIN  Tubiggg!

Sa ngayon ay nakakulong na sa La Loma Police Custodial facility ang suspek.

BASAHIN  Kahera tinalakan ng amo, nanaksak

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA