Aabot sa 13 high-powered firearms at mga bala ang nasabat ng mga otoridad mula sa isang vendor sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Juanito Tanghal, 56-anyos, at residente ng San Isidro, sa naturang lungsod.
Naaresto si Tanghal mataps itong maaktuhang nagdadala ng mga armas habang nagsasagawa ng operasyon noong November 16, 2023 ang pinagsanib na pwersa ng Anti-Terrorism Section-Regional Intelligence Division, (ATS-RID), Regional Special Operations Group- RID (RSOGRID), National Capital Region Police Office (NCRPO), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Angeles CFU, kasama ang Makati City Police Station.
Noong November 14, 2023, nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Brgy. Pandan, Angeles, kung saan naaresto si Santiago Fernandez y Tui alyas Bryan Marcos.
Nabatid na pinuntahan ng operatiba ang bahay ng suspek sa Makiling Street, Olympia Village, Makati City dala ang search warrant at napag-alaman, na walang record si Bryan Marcos sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at hindi rin ito registered firearm holder.
Saktong may dumating na isang sasakyan sa bahay ni Bryan Marcos, kung saan nakitang isinasakay ang ilang garbage bag at sako sa sasakyan.
Doon na naghinala ang pulisya at nilapitan si Tanghal na aktong patakas ngunit nahabol siya ng mga otoridad.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at B.P. 881 o Omnibus Election Code.