Dalawang lalaki na wanted sa magkakahiwalay na kaso ang naaresto sa Quezon City.
Nadakip ng Masambong Police Station si Ariel Orquiza San Andres, 51-anyos, residente ng Leyte St., Sampaloc, Maynila, na number 7 sa listahan ng Most Wanted Persons (MWP).
Naaresto si San Andres nitong Biyernes sa Quezon City Jail Ligtas Covid Center and Quarantine Facility, Payatas Road, Brgy. Bagong Silangan, sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Hon. Sarah Alma Lim, Presiding Judge ng Branch 2, Regional Trial Court, Manila City.
Nahuli naman sa isang parking lot sa Eastwood City, Brgy. Bagumbayan, Quezon City ang No. 4 MWP ng Eastwood Police Station, na si Charlton Subil Velasco, 44-anyos, residente ng Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Si Velasco ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10883 o Anti-Carnapping Law, na ipinalabas ni Hon. Maria Ligaya Itliong-Rivera, Presiding Judge ng Branch 5, RTC, First Judicial Region, Baguio City, Benguet.