Good news sa mga motorista!
Posibleng hindi gumalaw o bahagyang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Deputy Director Rodela Romero, kung hindi man gagalaw, posibleng umabot sa mahigit P0.50 ang ipatupad na rollback sa krudo.
Matatandaang noon lamang isang linggo ay bumaba ang presyo ng langis bunsod ng humihinang demand mula sa China at US.
Bukod pa ito sa gumagandang produksyon ng mga miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries.