33.4 C
Manila
Friday, November 22, 2024

‘No registration, no travel’ policy, paiigtingin ng LTO

PAIIGTINGIN ng Land Transportation Office ang pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy upang mapilitang magparehistro ang mga delinquent motor vehicle owner.

Inatasan ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng regional offices nito na maghigpit sa pagpapatupad ng nasabing polisiya matapos malaman na karamihan ng mga bumibiyaheng sasakyan ay hindi pa rehistrado o paso na ang lisensya.

Sa pinalabas na pahayag ni  LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, nasa 24.7 million, o nasa  65% ng 38.3 million motor vehicles nationwide na may record ng ahensya ay napag-alamang nasa  “delinquent” stage o  napabayaan at pinabayaang hindi na mai-rehistro ang kanilang sasakyan.

Giit pa ni Mendoza na nalugi ang LTO ng ₱37.15 billion ngayong taon sa mga uncollected registration fees and penalties na kung saan nakakaalarma na dahil posibleng  maraming delinquent vehicles ang hindi nakapasa sa  roadworthiness inspections at emission tests, maging sa  insurance coverage ay wala ito.

“Maituturing na banta ang mga delinkwenteng sasakyan sa kalsada kung magpapatuloy sila sa pamamasada kaya kailangang mahigpit na ipatupad ang batas ng  land transportation para na rin sa kaligtasan ng mga  road users,” ayon pa kay Mendoza.

BASAHIN  Nagbebenta ng mababang kalidad na bakal, Ilantad - PISI

Kasunod nito ang direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na panatilihing ligtas ang kalsada sa mga road users 

Sa ilalim ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code, walang motor vehicle na ibibiyahe sa kalsada hanggat hindi rehistrado.

Base sa datus ng LTO, mayroong 20.15 million, o 81.5% ang kabuuang delinquent vehicles ay mga unregistered motorcycles, kasunod ay four-wheel vehicles na may total na 4.01 million, at trucks and buses na nasa 490,000.

Mayroong mataas na bilang ng mga delinquent vehicles sa National Capital Region (NCR) na nasa 4.1 million base sa data ng LTO kasunod nito ang 3.3 million sa Central Luzon at 2.7 million sa Calabarzon.

Nasa 1.8 million naman ang mga delinkwenteng sasakyan na nasa Western and CentraI Visayas at sa Eastern Visayas ay may 758,000.

Sa Mindanao, ang Davao region ang may mataas na bilang ng delinquent vehicles na umabot na sa 1.2 million, sinundan ng  Soccsksargen region na mayroong 1.1 million, habang sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao ay nakapagtala ng 1 million delinquent vehicles.

BASAHIN  Paghahanda sa drilling operations sa Malampaya 4 pinabibilis

Una nang iniutos ni Mendoza na pag-aralan ang lahat ng data ng LTO kung saan ang puwedeng palakasin para tumaas ang revenue-generating measures.

Nilinaw nito na ang nawawalang ₱37.15 billion ngayong taon ay mula sa  ₱15.5 billion  revenue loss sa unregistered motorcycles, P18.4 billion mula sa four-wheel vehicles at ₱3.25 billion sa trucks and buses.

Kaya naman mula ngayon, mahigpit nang paiiralin ng LTO ang “no registration, no travel” policy, ayon kay Mendoza.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA