Bumaba ng 39.47% ang crime rate ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa maagap na pagmonitor ng bawat istasyon ng pulisya sa siyudad.
Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Redrico A Maranan, ang pagbaba ng crime rate na tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft, at motorcycle theft ay nakapagtala ng 23 insidente ngayong Nobyembre 6 hanggang 12
Kumpara sa 38 insidente na naitala mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5 ngayong taon na isang maipagmamalaking achivement.
Ipinapakita rin ang pagbaba ng 15 insidente o nasa 39.47% na lamang. Nakapagtala din ng higit na 95 porsyento sa Crime Clearance Efficiency habang tumaas naman ng 91.3% ang Crime Solution Efficiency.
Patuloy din ang police visibility sa lahat ng nasasakupang lugar at pagmamanman sa mga kahina-hinalang gawin upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.