33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Pasaporte ng teroristang si Teves, kanselahin

INIANUNSYO ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naka-eskedyul nang kanselahin
ang passport ni dating 3 rd district, Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.
Ito ay iniutos ni Remulla kasunod nang pag-isyu ng arrest warrant laban kay Teves.


Si Teves ay nahaharap sa kasong murder dahil siya ang itinuturong utak sa pagpatay kay
Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4.


“Dapat [kanselado na], we’ll find out as to the status. Puwede na ma-cancel ‘yan ngayon. We’ll
check [it out],” paliwanag ni Remulla.


“Puwede na naming tanggalin sa kanya ‘yung kanyang passport, even if the ordinary passport
as a Filipino, since he is a fugitive from justice,” aniya pa.

BASAHIN  PPP para sa Nuclear power plant

Sinasabing nasa Timor-Leste si Teves na kung saan, walang umiiiral na extradition treaty sa
pagitan ng Pilipinas at ng bansang ito.


Matatandaang nais isulong ng ating pamahalaan sa Timor-Leste ang isang extradition treaty,
nang bumisita rito ang kanilang Pangulo, si Jose Ramos Horta nitong Nobyembre 10.


Kapag naisa-pormal na ito, pwede nang hilingin ng ating pamahalaan sa Timor-Leste na hulihin
si Teves at ipadala o dalhin sa Pilipinas.

BASAHIN  Panay Island blackout, NGCP, iimbestigahan ng Senado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA