33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Marikina Christmas shoe bazaar and banchetto bukas na!

BUKAS na ang taunang Christmas shoe bazaar na proyekto ng Marikina City local government unit (LGU) na kung saan libre ang renta ng 47 manggagawa ng sapatos, bags, at iba pang leather goods para sa pagsali sa shoe bazaar na sinimulan ngayong araw, kasabay ang banchetto o pagtitinda ng kilalang street foods, local food delicacies and snacks at ilang sikat na pagkain mula sa ibang lugar na matatagpuan sa Freedom Park, harap ng Marikina City Hall.

 Layunin ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, katuwang si Marikina First District Rep. Marjorie Ann “Maan” Teodoro na buhayin ang taunan at nakasanayang shoe bazaar  para mapalakas ang industriya ng pagsasapatos at mabigyan ng kabuhayan ang mga manggagawa.

Ipinaliwanag ni Mayor Marcy ang kahalagahan ng pagbibigay  ng magagandang klase ng sapatos na maaaring maipagmalaki mula sa likha ng mga master craftsmen and shoemakers ng Marikina.

“Bakit ginagawa itong bazaar? Hindi lang para magkaroon ng access ang mga kababayan, kapag sabi ko na kababayan, hindi lang taga Marikina—ibig kong sabihin lahat, magkaroon ng access, makabili sila ng sapatos na gawa sa Marikina, iyong matibay, iyong maganda, iyong may quality. Iyon po ang dahilan kung bakit tayo may shoe bazaar, maliban po doon sa kabuhayan na dulot nito,” ayon kay Mayor Marcy.

BASAHIN  Air Asia inilunsad ang bagong ruta sa NE Asia

 Sa ilalim ng  Ordinance No. 121, Series of 2023, binuksan ang Christmas shoe bazaar kasabay ng pagbibigay ng libreng renta sa bazaar para makaahon sila sa kanilang negosyo at makatulong ang LGU.

“Gusto nating palakasin ang industriya ng sapatos sapagkat kapag napalakas po natin ang industriya ng sapatos ay nakakapagbigay ho tayo ng maraming trabaho,” paliwanag pa ng alkalde.

Kasabay nito ang paglalagay ng banchetto o pagtitinda ng mga local delicacies at street foods na kung saan pumatok ito noong kasagsagan ng Palarong Pambansa kaya naisipan ng alkalde na muling magkaroon ng banchetto.

“Itong banchetto, nakita po natin noong Palarong Pambansa ay nag-dra-draw ng crowd. Talagang tayong mga taga Marikina, mahilig kumain. Kaya ho mas maganda ho ngayon dahil bukod ho sa pwede silang mamili sila ng sapatos na pampasko o kaya mga bag at wallet na pwede nilang iregalo, pwede na rin silang mag-bonding kasama ang kanilang mga barkada at pamilya sa banchetto,” ayon naman kay Cong. Maan.

BASAHIN  US$25-B Samsung investments sa bansa - DTI

Binigyan ni Cong. Maan ng kabuhayan ang kababaihan na magtinda sa banchetto para may dagdag puhunan sa pamilya.

Ang Christmas shoe bazaar and Banchetto ay magtatapos hanggang  Jan. 15, 2024.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA