33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Libreng Wi-Fi sa pampublikong paaralan – Poe

HINILING ni Senador Grace Poe ang telecommunication companies o telcos na magbigay ng
libreng wifi sa mga pampublikong paaralan.


Sinabi ni Poe na dapat palakasin ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno at telcos para mabigyan
ng libreng wifi ang mga nangangailangang paaralan.


Idiniin ng senador na dapat na makipagtulungan nang husto sa telcos ang Department of
Information and Communications Technology (DICT) at Department of Education (DepEd) para
matiyak na kahit na ang pinakamalalayong paaralan sa bansa ay magkaroon ng wifi connection.


“At a time when the education of our children relies on connectivity, access to the free internet is
a crucial need that telcos can help provide… What to telcos could be a drop in the bucket can
go a long mile for the efficient learning of our students,” saad ni Poe sa isang pagdinig sa
pambansang badyet.

Sinabi ni Poe na mayroon lamang halos 69 percent ng 45,000 pampublikong paaralan sa
buong bansa ang may wifi acces, at ‘yung iba, kung meron may, ay masyadong mahina ang
signal o connectivity.

BASAHIN  35% ng ARMM Teachers, kulang sa reading skills!


Hindi raw ma-imagine ng senador na sa harap ng malaking bilang ng mga estudyante sa
pampublikong paaralan sa bansa, malaking porsyento sa kanila ang walang wifi, na bahagi na
ngayon ng “new normal”.


Ang iba raw ay mayroon kaunting pera para sa kanilang online research, pero paano naman
ang mga walang pera?


Hiniling ni Poe ang DepEd mag-submit ng status report ng wifi connectivity ng lahat ng public
schools sa bansa para malaman o ma-idetify ang mga lugar na walang internet access.
Idiniin ng senador na sa ilalim ng “new normal”, walang quality education kung walang wifi
connectivity.


Samantala, sinabi naman ng ilang observers na kahit bilyon-bilyon ang kinikita ng telcos bawat
buwan, tila ayaw nilang mabawasan ang kanilang napakalaking tubo, kaya hindi sila diumano
bukas sa panukalang magbigay ng libreng wifi service sa mga apektadong public schools.
Bukas ang BraboNews para sa panig ng telcos.

BASAHIN  Comedian joey paras, pumanaw namga artistang senador, tutulong kaya?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA