WALONG Pilipino ang ikinulong sa Algeria magmula pa noong Hulyo kahit walang anomang
kaso.
Sinabi nitong Huwebes ni Capt. Edgardo Flores, consultant ng Eastern Mediterranean Manning
Agency Philippines, na ang walong Pilipino – na hindi pinangalanan sa kahilingan ng kanilang
pamilya – ay nagdurusa dahil nakakulong pa rin sila magmula Hulyo 28 ng taong ito.
Ayon kay Captain Spyridon Pierratos, marine personnel manager ng Eastern Mediterranean
Maritime Ltd. {EMML) na hinuli ang walong Filipino seafarers matapos makadiskubre ang
pulisya ng 35.8 kilos ng diumano;y cocaine sa barkong Harris, isang Maltese-registered vessel.
Sinabi ni Pierratos na walang anomang kaso ang isinampa ng Algerian prosecutor laban sa
walo. Nakakulong sila dahil hindi pa diumano natatapos ang imbestigasyon. Kasama nila sa
detention cell ang mga karaniwang criminal.
Nagmula raw sa port Valleta, Malta ang barko. Karaniwan nang ginagamit ng mga sindikato ng
droga ang stevedores na itinatago ang droga kasama ng kargamento, ayon pa kay Flores.
Sinabi ni Pierratos na hindi pinapayagan ang mga Pilipino na makausap ang kanilang pamilya,
maliban na lamang sa kanilang abogado.
“They have not been allowed to meet our company’s representatives who traveled to Algeria to
meet them… [including] representatives of the Philippine Embassy in Libya who traveled to
Algeria to meet them,’ saad ng EMML.
Sinabi ng opisyal ng kumpanya na ang kanilang tripulante ay may malinis na record at
kailanma’y hindi nasangkot sa mga isyu na kailangang ng disiplina. Idinagdag pa nito na walang
anomang record ang barko na tumigil ito sa kahit na saang pier sa Algeria, at ang walong
Pilipino ay walang anumang nakaulat na record na sila’y nanggaling na roon.
Samantala, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration na inindorso na nila ito sa
Department of Migrant Workers dahil ito ay isang kasong kriminal.