Masyadong malakas ang loob ng dalawang babaeng nagpakilalang cosmetic surgeon dahil nagsasagawa ng mga clinical procedure kahit hindi lisensiyado ang nabisto ang palpak na trabaho, kamakalawa sa lloilo City.
Dinakip ng National Bureau of Investigation-Western Visayas Regional Office ang dalawang hindi na pinangalanang suspek matapos
makaranggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa ginagawang clinical procedure ng dalawang hindi naman otorisadong mag-opera.
Nahuli sa isinagawang entrapment operation ang mga suspek sa Molo, Iloilo City matapos magbayad ng P10,000 marked money ng mga undercover at nakipagdeal sa pagpalaretoke.
Nakatakda sanang magsagawa ng nose lift procedure ang mga suspek kahit wala silang PRC license.
Ayon kay Atty. Lito Magno, Assistant Director ng NBI, inireklamo ng mga complainant ang pagkakaroon ng skin at bacterial infection matapos magpasuri sa mga suspek.
Sinampahan ng reklamong paglabag sa Medical Act ang dalawang suspek, na sumailalim na sa inquest proceedings.
Kasalukuyang nakakulong ang dalawa at tikom pa rin ang bibig sa pag-amin ng kanilang kasalaman.