MALUBHANG nasugatan ang isa sa apat na tripulanteng Pilipino matapos tamaan ng Russian
missile ang kanilang sibilyang barko na papasok sa pantalan ng Black Sea, Odesa, Ukraine.
Kabilang sa mga nasugatan ang kapitan, able seaman, deck cadet at ang electrician ng barko.
Ito ang ini-report kahapon ng Ukranian army sa Agence France Presse.
Mahigit 20 buwan na ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
“Three crew members, citizens of the Philippines, were injured, one of them was hospitalized,”
ayon sa Ukranian army.
Ayon sa report, tumama ang missle sa bahagi ng bridge ng civilian ship na may Liberian flag
habang papasok ng pantalan.
Matatandaang dahil sa pagkabigo ng grain export deal, nagbabala ang Moscow na magiging
“potential military targets” ang bawat barkong papasok sa Ukranian port.
Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac sa GMA News na ligtas
na raw ang Pilipino, pero nabalian daw ng kaliwang kamay ang isang trainee, habang ang isa
pa ay ginagamot sa ospital.
Hindi pa available ang mga pangalan ng tatlong Pilipino.
Paliwanag ni Cacdac, “It so happened na andun sila sa bridge kung saan nagkaroon ng impact
ang missile pero they were far enough not to obtain major injuries.”