33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Evacuation Centers sa bawat Siyudad, Bayan – Jinggoy

AMBISYOSONG proyekto, pero makikinabang ang mga mamamayan.
Ganito inilarawan ang plano ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada – ang pagtatayo ng typhoon-
resilient at earthquake-proof evacuation centers sa bawat siyudad at munisipalidad sa
buong bansa.


Inindorso na kamakailan ng Senate Committee on National Defense and Security sa
plenaryo ang panukalang batas lilikha ng mga nabanggit na inpraistraktura.


“Nais nating matiyak na ang mga itatayong evacuation centers ay matatag at magiging
ligtas na silungan ng ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad,” ayon kay Estrada.
Binanggit ni Estrada ang isang pagsusuri na ginawa noong 2014 ng International
Organization for Migration (IOM) at UNICEF, isang taon matapos ang super typhoon
Yolanda, na nagpakita na walong porsyento lamang o 53 sa 643 na itinalagang evacuation
centers sa Eastern Samar ang itinuring na magagamit, habang 166 ang nawasak at 415
ang lubhang napinsala.


“Ang malupit na pinsala sa mga evacuation center ay nagdulot ng pagkamatay ng marami
dahil sa substandard na konstruksyon, matinding hangin at pag-apaw ng tubig. Ayaw po
nating maulit ito,” paliwanag ni Jinggoy.

BASAHIN  Maine Mendoza, Mrs. Atayde na

Ang Senate Bill No. 2451 o ang panukalang Ligtas Pinoy Centers Act” na nasa ilalim ng
Committee Report No. 139 ay naglalayong maglagay ng permanente, matibay at may
sapat na kagamitan na evacuation centers sa mga siyudad at munisipalidad sa bansa.
Ani Estrada, dapat ay nasa ligtas at madaling puntahan na lugar ang mga ito at kayang
harapin ang mga super typhoon na may bilis na hangin na hindi bababa sa 300 kilometro
bawat oras at seismic activity na hindi bababa sa 8.0 magnitude.


Ipinag-uutos din ng panukalang batas ang paglalagay ng mga pasilidad tulad ng sleeping
quarters, paliguan at palikuran, kitchen at food preparation, maging dining areas, health
care station, women and child-friendly spaces, standby power para sa ilaw at operasyon
ng mga medikal at communication equipment at iba pa upang matiyak ang makataong
kondisyon ng pamumuhay para sa mga evacuees.

BASAHIN  ‘Kangaroo Court’ ni Gordon, nagpakulong sa Pharmally Officials


“Bukod sa pagsisiguro sa pagiging ligtas ng evacuation centers sa panahon ng kalamidad,
delubyo o public health crises, dapat din na matiyak na disente ang pasilidad ng mga ito,”
aniya pa.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA