LABAN o bawi?
Hindi po ito isang laro, kundi laban kontra buhay o kamatayan!
Ito’y dahil gusto ng isang mister sa New York na bawiin ang kidney o bato na idi-nonate
niya sa misis, matapos na mag-file ng divorce ang babae, makalipas ang apat na taon.
Dahil dito, gustong bawiin ni mister ang kanyang kidney o kaya’y pagbayarin ng US$1.5
milyon ang dating asawa.
Dahil ayaw isauli ng misis ang kanyang kidney, nagdemanda ang lalaki sa korte para
maibalik ito o kaya’y pagbayarin ito ng danyos.
Ayon sa report ng Pep.ph, noong 2001, si Richard Batista, isang surgeon sa Long
Island, New York State sa U.S., ay nag-donate ng kanyang kidney sa kanyang misis na
si Dawnell. Hindi ipinaliwanag ng report kung bakit nag-match ang kanilang kidneys
dahil hindi naman sila malapit na magkamag-anak.
Nauna nang sumailalim si Dawnell ng kidney transplants na makalawang ulit, pero ito ay
hindi naging successful, dahil malamang, nire-reject ng kanyang katawan ang donated
kidney. Dahil dito, nang nalaman ng mga doktor na compatible ang kidneys ng mag-
asawa, nagpasya si Richard na i-donate ang kanyang kidney para mabuhay ang asawa.
Naging successful ito.
Pero noong 2005, nag-file ng kasong divorce si Dawnell laban kay Richard dahil
diumano sa domestic violence at pambababae.
Dahil gusto ni Richard na mabawi ang kanyang kidney, idinemanda niya sa korte ang
asawa at hiniling na ibalik ng ex-wife ang kanyang kidney o kaya’y bayaran siya ng
US$1.5 milyon bilang danyos.
Noong 2009, naglabas ng 10-pahinang desisyon ang Nassau County Supreme Court
kaugnay ng kaso at ni-reject nito ang gusto ni Richard na ibalik ang kanyang kidney.
Ayon sa abogado ni Dawnell na si Attorney Douglas Rothkopf, hindi raw pwedeng
ituring na property item ang donated kidney. Kinatigan ito ng Korte Suprema.
Sabi pa ng korte, hindi kasama sa conjugal property ang organs at human tissues. Ito
ay maituturing na regalo ni Richard kay Dawnell, ayon kay Jeffrey Grob, court
matrimonial referee.
Idiniin ni Grob sa kanyang desisyon na “legally unsound” ang demand ni Richard na
humingi ng bayad sa isang bagay na ibinigay na niya bilang regalo – ang kidney nito.
Ayon pa kay Grob, “The defendant’s effort to pursue and extract monetary compensation
therefore not only runs afoul of the statutory prescription, but conceivably may expose
the defendant to criminal prosecution.”
Ayon naman kay Robert Veatch, isang medical ethicist sa Georgetown University
Kennedy Institute of Ethics, “it’s illegal for an organ to be exchanged for anything of
value”.