33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

4 Patay sa car crash sa Antipolo

APAT na tao ang namatay sa isang aksidente sa kalsada sa pagitan ng isang kotse at
trak sa Marcos Highway, Barangay Mayamot, Antipolo City nitong Lunes ng madaling-
araw.


Kinilala ang mga nasawi na sina Juanito Cataylo, 22, drayber ng Honda Civic; Kidrock
John Magsino, 21; Lawrence Ivan Jose, 21; at Ereneo Balmonte, 22; pawang mga
residente ng lungsod.


Nangyari ang aksidente bandang alas-3 ng madaling-araw sa Marcos Highway sa harap
ng Phoenix Gas Station, Barangay Mayamot, Antipolo City.


Ayon sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, parehong papunta sa Sta. Lucia East ang
Honda Civic at trak na minamaneho ng drayber nito na si Glen Gumban. Magkaiba sila
ng lane. Ilang sandali pa, biglang lumipat sa kanang lane ang kotse kaya nabangga ang
hulihang likuran ng trak.

BASAHIN  43% ng public schools, walang guro; Dapat dekalidad na edukasyon, training sa guro – Gatchalian


Sinabi ng Antipolo police na ang skid mark ng gulong ay maaaring umabot sa 50 metro,
na nagpapatunay na sobrang bilis ang takbo ng kotse. Pagkabangga sa trak, tumilapon
ang lahat ng sakay ng Honda Civic at agad na namatay.


Hindi sinabi ng Antipolo Police kung lasing o nakainom ang drayber o nakikipagkarera sa
isa pang kotse nang nangyari ang aksidente.


Pinaalalahanan ng pulisya ang lahat ng mga nagmamaneho, lalo na sa dis-oras ng gabi
na maging maingat, huwag maging kaskasero, at huwag magmaneho kung nakainom.

BASAHIN  LandBank-DBP merger, kanselado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA