33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

21 Kasong kriminal laban sa Kultong Socorro

UMABOT sa 21 kasong kriminal ang nai-file laban kina Jey Rence “Senyor Agila” Quilario
at iba pang lider at miyembro ng kultong Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI)
Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla nitong Lunes, “We have 21 cases filed
already…Meron na tayong cases nai-file ng prosecutors and it’s just the beginning.
Marami pa itong angles na dapat ma-fill.”


Ilan sa mga kasong na-file laban sa mga lider at miyembro ng SBSI ay qualified trafficking
in persons, facilitation of child marriage, solemnization of child marriage, at child abuse.
Diringgin daw ang mga kaso sa Metro Manila, ayon pa kay Remulla.


Idinugtong pa niya na dapat na dinggin ang kaso sa Maynila o iba pang venue para hindi
maapektuhan ng ilang tao [lalo na ng mga taga-Socorro] ang proseso ng hustisya.

BASAHIN  Ospital para sa ‘modern heroes’, nais ni Rep. GMA


Nauna pa rito, nilinaw ng Department of Justice (DoJ) na hihilingin nila sa Korte Suprema
na ilipat na sa punong tanggapan ng DoJ ang kaso. Dahil sa privilege speech ni Senador
Risa Hontiveros, nakatawag ito ng pansin sa buong bansa.


Matatandaang, ang mga batang biktima na dating miyembro ng SBSI ay lumuluha habang
ipinahahayag nila ang kasuklamsuklam na mga naranasan nila dahil sa pwersahang utos
ng kanila “Diyos” na makibahagi sa mga aktibidad ng kulto at sumunod sa mga batas nito.


Itinanggi nina Quilario, SBSI Vice President Mamerto Galanida, at mga lider na sina
Janeth Ajoc and Karren Sanico Jr. ang mga alegasyon laban sa kanila na child abuse at
ipinagtanggol pa ng mga ito ang pagpakakasal sa mga menor de edad na babae.

BASAHIN  P198.8-B projects sa PEZA, aprubado


Dahil sa paulit-ulit na pagsisinungaling nina Quilario, Galanida, Ajoc at Sanico
kinasuhan, iniutos ng Senado na ikulong ang mga ito sa Senate detention cells.#

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA