33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Karamihan sa mga Pilipino, malungkutin -survey; RTU student na nagpakamatay, ipinahiya?

NALULUNGKOT daw.
Ito ang kinalabasan ng survey ng Meta-Gallup kamakailan, na nagsasabing mahigit kalahati ng
mga Pilipino o 57 percent ang umaming sila’y nalulungkot. Mahigit doble ito kung ihahambing
sa pandaigdigang average na 24 percent.


Ayon sa resulta, sa buong mundo, pinakakaunting dumaranas nang kalungkutan ang mga
senior na may edad 65-anyos pataas, ang pinakamataas na bilang ng mga nalulungkot ay
nasa edad 19 – 29 years old o young adults.


Ginawa ng Meta-Gallup ang survey sa 140 bansa.


Bukod sa Pilipinas, ang mga bansang may mataas na antas na self-reported loneliness ay ang
Lesotho, (58%); Uganda (53%); at Botswana (50%), sa Africa; at Afghanistan (50%).


Sinabi ng isan eksperto na ang kawalan o labis na kakulangan ng komunikasyon at koneksyon
sa ibang tao, lalo na sa kapamilya ang isa sa pangunahing dahilan ng kalungkutan.


Sa report ng 24 Oras news program ng GMA-7, sinabi ni Lilia Ng Gui, isang psychologist at
relational life coach, “Ang isang tao dapat socially connected hindi lamang sa sarili niya kundi
connected din siya sa ibang tao, friends, family members, kasama sa trabaho because social
connectedness with others is also a form of support para sa kanya.”

BASAHIN  ₱128.2-B para sa 113 state colleges, universities

Samantala, ayon sa BraboNews research, mahigit 700,000 mga tao sa buong mundo ang
nagpapakamatay dahil sa depresyon at kalungkutan. Sa bilang na ito, mahigit sa doble ang
nagtangkang magpakamatay pero napigilan. Mahalaga raw ang regular at patuloy na family
bonding at pakikipag-usap para malaman ang sanhi ng kalungkutan at mabawasan ito.


Matatandaang isang 13-anyos na high school student ng Rizal Technological University (RTU)
ang tumalon kamakailan sa 8 th floor ng gusali ng paaralan at namatay, dahil diumano sa
pagsuspindi sa kanya, matapos mahuling nangongopya habang nagsusulit.


Sinabi ng ilang observers na taliwas sa sinabi ng pamunuan ng RTU na hindi raw pinagalitan o
hindi dumanas ng verbal abuse ang batang nagpakamatay, pero imposible raw magpakamatay
ang bata kung hindi siya napahiya at pagkatapos ay dumanas ng depresyon dahil sa aksyon
ng paaralan.


Dapat din daw rebyuhin ng Commission on Higher Education ang student handbook ng lahat ng
kolehiyo at pamantasan sa ilalim nito, kung may nilalabag ito na mga batas sa karapatan ng
kabataan o karapatang pantao.

BASAHIN  Kendra Kramer, certified Instagram millionaire na


Sinabi ng registrar ng RTU sa programa ni Senador Raffy Tulfo na ang parusa raw sa unang
pagkakataong mahuling nangopya ang isang estudyante ay limang araw na suspensyon.
Ito raw ay labag sa karapatang pantao lalo na sa isang kabataan, ayon pa rin sa observers,
kaya dapat nang tuldukan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA