33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

China ang intruder, hindi Pilipinas – DFA

MARIING sinagot ng Pilipinas nitong Huwebes ang akusasyon ng China ang nag-trespass o
pumasok sa teritoryo ng kanilang bansa ang BRV Conrado Yap nang walang pahintulot.


Sinabi ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pag-aangkin ng China sa
Scarborough Shoal ay walang anumang basehang legal, kaya hindi kailangang ng Pilipinas na
humingi ng permiso kanino man kung maglalayag ito sa sariling katubigan.


Sinabi pa ng DFA, “The statement of the Southern Theater Command of the Chinese People’s
Liberation Army alleging that the BRP Conrado Yap intruded into the waters near Bajo de
Masinloc on 30 October has no legal basis and only serves to raise tensions in the West
Philippine Sea.”


Idinagdag pa ng DFA na ang maritime patrols ng Pilipinas sa paligid ng katubigan ng Bajo de
Masinloc ay isang rutin na ginagawa ng malayang bansa sa sarili nitong teritoryo, bilang bahagi
ng responsibilidad nito.


Sinabi ng ilang observers na walang bansa, maliban sa isa o dalawa, ang naniniwala sa pag-
aangkin ng China. Hindi rin kinikilala ng ASEAN, pati na ang lahat ng malalayang demokrasya

BASAHIN  Malawakang pagbaha, diringgin sa Senado

sa buong mundo ang nine-dash-line na pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea. Lalo
pang pinasungalingan ang pag-aangking ito ng 2016 Arbitral Ruling sa the Hague, dahil
pinaboran nito na pasok sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.ang pinag-
aagawang teritoryo sa dagat.


Hindi nilinaw o ipinaliwanag ng Beijing kung aling international law ang nilabag ng Pilipinas –
dahil wala naman – sa pagpapatrolya nito sa Bajo de Masinloc.


Dahil daw nilabag ng Pilipinas ang sovereignity ng China, ang sabi nito, pati na ang
international relations, ito raw ay maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan [sa pagitan ng
dalawang bansa].


Pinagsabihan ng China ang Pilipinas na kaagad na tumigil na sa panghihimasok sa kanilang
teritoryo para huwag nang lumala pa ang sitwasyon.
Sinabi ng DFA na ang Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, ay nasa loob ng EEZ ng bansa,
120 milya mula sa Zambales. Ito ay bahagi ng buong teritoryo ng Pilipinas, kaya mayroon itong
soberanya at hurisdiksyon dito.

BASAHIN  NAIA, isasapribado na?


Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson, Col. Medel Aguilar, na nasaktan ang
China dahil sa sarili nitong pagkakamali. Hindi rin raw tayo dinidiktihan ng kahit sinong bansa o
gobyerno dahil may sariling soberanya ang Pilipinas.


Patuloy daw na ginagawa ng Pilipinas ang pagpatrolya sa karagatang sakop ng bansa para
maprotektahan ang mga mangingisdang Pilipino, lalo na yaong mga umaasa ng kanilang
ikinabubuhay sa West Philippine Sea, pagdiriin ni Aguilar.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA