HINILING kamakailan ni Senador Francis Tolentino na kung pwede, huwag nang palitan
ng mga bagong uupong opisyal ng barangay ang barangay health workers (BHW).
Binanggit ng senador sa kanyang programa sa Net 25 na malawak ang karanasan ng
BHW sa loob ng mahigit dalawang taon sa pananahon ng pandemic at ito ay mahirap
mapantayan.
Sakaling sila ay papalitan, dapat ang mga bagong BHW ay kwalipikado at dapat ding
magkaroon nang mahabang transition period at mahaba at komprehensibong training ang
mga papalit.
Idiniin ni Tolentino, “Pero kung ako ang tatanungin kung maari ay i -retain sila bilang
bahagi ng ating national health workers system.”
Aniya pa, kailangan ang pagkakaisa. Ito raw ang isang uri ng liderato na dapat na maging
saloobin ng mga bagong mamumuno sa barangay. Ang pagpapanatili raw sa pwesto ng
BHW ay magpapakita na dapat manaig ang serbisyo-publiko kaysa pamumulitika o
patronage politics.
Ayon sa ilang observers, dapat na maglabas ng kautusan o memorandum order ang
Department of Interior ang Local Government para huwag nang palitan ng mga opisyal ng
barangay ang BHW, para maipagpatuloy nila ang mahusay at makaranasang serbisyo sa
bayan.