33.4 C
Manila
Sunday, January 19, 2025

Barangay officials, dapat dagdagan ang termino

INULIT ni Senador Imee Marcos nitong Lunes, ang panawagan para sa mas mabang
termino ng mga opisyal ng barangay.


“Dapat habaan na yung termino ng ating mga barangay officials, kasi wala na kaming
ginawa sa Senate, sa Congress kung hindi i-extend nang i-extend [ng kanilang
termino],” ayon kay Marcos.


Nauna pa rito, ipinanukala ni Marcos na ang termino ng mga opisyal ng barangay ay
dapat gawing anim na taon, sa halip na tatlo, at gagawin ang eleksyon tuwing Mayo,
isang taon matapos ang Presidential elections.


“Nakita naman natin na padami nang padami ang ibinabagsak na trabaho sa barangay
katulad nung Covid,” dagdag pa niya.


Kailangang baguhin ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015. Ani
Marcos, “The SK [law] is the first anti-dynasty law in the country, and it has had
unintended consequences such that very often we cannot complete the entire line-up of
the SK kasi nga sa maliliit na barangay, lahat mag[ka]kamag-anak.”

BASAHIN  Kawani ng NAIA na nagnakaw at lumunok ng $300, parusahan - Poe


Sa ilalim ng batas, dapat mayroong isang barangay SK na kinabibilangan ng chairman
at pitong miyembro.


Nais ni Marcos na dapat magkaroon lamang ng isang kinatawan para sa kabataan, sa
halip na isang buong konseho.


“Isa na lang na kinatawan ng kabataan, huwag na yung buong konseho, na para sa
youth sector; na may nagsasalita, may boses yung kabataan para hindi obligado na
magbuo ng buong konseho,” pagtatapos ni Marcos.

BASAHIN  Namayapa na Erap, Marcos Sr. impersonator

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA