33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Piliin ang sariwa – Mayor Vico

NAGLABAS kahapon ng ilang paalala si Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga botante
ngayong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Pinayuhan ng mayor ang bawat botante na maging maingat sa pagpili ng iboboto. Piliing iboto
ang mga baguhan o sariwang kandidato, pati na rin ang mga kandidatong hindi gumagastos nang
malaki sa kampanya. Ito ang mensaheng, ipinaskil ni Sotto sa kanyang social media account.


“Sa akin po, kung hindi tayo sigurado sino ba dyan ‘yung mas tapat, sino ba dyan ‘yung mas
magaling, sino ba dyan ‘yung mas masipag…hindi tayo sigurado kung ano, [ako] pipiliin ko na
lang, kung dalawang kandidato parang similar, hindi ako sigurado, kung ako pipiliin ko na lang
‘yung mas bago. Pipiliin ko na lang ‘yung hindi gumagastos ng malaki,” pagdiriin ng mayor.

BASAHIN  Libo-libong residente, nawalan ng kuryente matapos matumba ang 2 poste sa Valenzuela City


Samantala, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 256 kandidato ngayong
BSKE ang hindi maipo-proklama kahit na manalo sila sa botohan, habang hindi pa naire-
resolba ang mga isyu laban sa kanila.


Ini-release ng Comelec nitong Miyerkules ang inisyal na pangalan ng mga kandidato sa iba’t
–ibang panig ng bansa na may mga pending na kaso. Pwede rin silang mai-disqualify dahil sa
paglabag sa alituntunin sa pangangampanya. Ang 256 na kandidato ay tumatakbong barangay
chairman o councilor at SK chairperson o councilor.


Habang dinirinig pa ang mga kaso, hindi muna makauupo ang barangay o SK chairman. Ayon
sa Comelec, ang number one na councilor ang pansamantalang uupo sa kanyang pwesto.
Pipiliin ngayong araw ang mga opisyal para sa 42,001 barangay sa buong bansa.

BASAHIN  2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, arestado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA