33.4 C
Manila
Thursday, November 21, 2024

Maletang may P50-m alahas, hermes bags naisoli na

HALOS isang buwan matapos itong mawala, naisoli na ang maleta ng negosyanteng si Maricor
Flores na tinangay sa NAIA Terminal 3.


Dinala ang maleta sa TV5 media center ng misis ng taxi driver na nakakuha nito.
Sa programang Wanted sa Radyo ni Sen. Tulfo, nagkita sina Flores ang misis ng taxi driver.
Kaya hindi napigilang maging emosyonal ni Flores.


Agad na binuksan ng tauhan ni Flores ang maleta na ang lama’y nagkakahalaga ng mga
mamahaling alahas, dalawang Hermes bags na milyones din ang halaga, na may kabuuang P50
milyon. Matapos nito, kinumpirma niya na walang nawawala sa laman ng maleta.


Sa interview ng News5 Live, sinabi ni Flores, “Nagpapasalamat din ako dun sa pamilya na sila
‘yung naging daan para mabalik sa akin yung luggage at lalong lalo na kay Senator Raffy.”
Ayon sa misis ng taxi driver na nagsauli ng maleta, naghatid ng pasahero sa Terminal 3 ang
kanyang mister ng gabi ng October 1. Inamin niya na ng una, natukso siya nang kunin niya ang
maletang naiwan. Pero kinalaunan, nakonsensya raw ang kanyang mister lalo na nang
mapanood niya sa TV5 na nawawala ito. Dito na raw sila nagpatulong sa National Commission
on Muslim Filipinos para maibalik ang maleta.

BASAHIN  Kapit sa patalim: 71% ng manggagawang Pilipino


Dahil ipinangako ni Flores sa programa ni Tulfo na magbibigay ng isang milyong piso ang
magsosoli ng maleta, ibinigay niya ito sa nagsauli, sa misis ng taxi driver na nakakuha, na isang
Filipino Muslim.


Sinabi ng misis, “Maraming-maraming salamat po sa nagbigay ng reward, totally parang hindi
namin sana tatanggapin kasi malaking agrabyado ang nagawa nang pagka-ano ng maleta. Yun
nga po, siguro, sa tuition ng mga anak ko rin, [magagamit ang pabuya).”


Sinabi ni Flores na wala siya sa sarili nang maiwan ang maleta dahil nasa ICU ng ospital ang
kanyang ama at nanganganib ang buhay. Ang akala kasi niya ay binuhat na ng kanyang driver
at ipinasok na ito ng sasakyan.

BASAHIN  COMELEC, nakatanggap na  ng inisyal na kopya ng mga lagda para sa People's Initiative


Labis na nagpasalamat si Flores kay Senador Tulfo dahil sa pagtutok nito para maibalik ang
maleta.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA