33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

2 pinoy, bihag ng hamas?

KINUKUMPIRMA pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang report tungkol sa dalawang
Filipino na kabilang sa naging hostage ng Hamas terrorist group mula sa Israel.


Sinabi ni DFA USec. Eduardo de Vega, hindi pa sila 100 percent sure sa nasabing impormasyon
pero ito ang kanilang palagay dahil hindi pa matagpuan ang mga ito sa Israel. Dahil dito,
patuloy silang nakikipag-uganayan sa ibat ibang ahensiya ng ating gobyerno pati na rin sa Israel
Defense Force para makakuha ng impormasyon.


Ayon sa Reuters, mahigit sa 50 percent sa humigit-kumulang 220 hostages ang may passports
mula sa 25 iba’t-ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas.


Hindi pa ngayon makumpirma ng DFA kung mayroong ngang Pinoy hostage, pero naniniwala
ang Israel na isa sa kanila ay lalaking Pilipino.

BASAHIN  Hustisya para sa inabusong kasambahay -Tolentino


Matatandaang sinabi ng isang Pilipina na napanood niya sa video na kabilang ang kanyang
asawa sa mga kinidnap ng Hamas.


Magmula nang sumiklab ang gulo noong Oktubre 7, apat pa rin ang mga Pilipino na nasawi sa
gulo, na nagresulta sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas group.


Samantala, nakikiusap daw ang mga mamamayan ng Israel sa kanilang gobyerno na kaagad
kumilos para masagip ang mga bihag kabilang na ang 33-anyos na Pinoy.


Hindi kaagad maipatupad ang rescue mission dahil masalimuot ang tinatayang 400 kilometrong
tunnel system sa ilalim ng Gaza Strip, na diumano, may 3,000 entrance at exit points.

BASAHIN  US$1.3-T kakailanganin sa restoration ng Ukraine Trabaho para sa OFWs, open

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA