33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Cyber security experts, makipagtulungan sa gobyerno – Cayetano

DAHIL sa lumalalang banta ng hacking at data breaches sa bansa, hinimok ni Senador Alan
Peter Cayetano nitong Miyerkules ang DICT na kumuha ng mas maraming cybersecurity
experts.


Ito ay matapos ang DICT o Department of Information and Communications Technology,
PhilHealth, House of Representatives, at Philippine Statistics Authority ay magkakasunod na
tinira ng hackers nitong Oktubre.


“Are there enough cyber security experts in the DICT and in government? Baka kasi may fund
na ibinibigay for counter attacks, but there are not enough experts in government,” tanong ni
Cayetano sa resource persons sa pagdinig nitong Miyerkules sa cybersecurity at e-governance sa
ilalim ng Senate Committee on Science and Technology, na siya ang chair.


Sinabi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center Deputy Executive Director Mary
Rose Magsaysay kay Cayetano na sa kasalukuyan ay mayroon silang 55 ekspertong mga tauhan.
Aniya, karamihan sa kanila ay cyber technologists at pinakamahusay na taong kilala nila.
Gayunpaman, inamin niya na ang bilang na ito ay hindi sapat.


“In general, kulang pa rin hindi ba? At kahit may mga ICT expert, it’s another issue of getting
them into government dahil maraming nagpupunta abroad at sa private sector,” sabi ni
Cayetano.

BASAHIN  Kapasidad ng HEIs, pinalawak ng 7 bagong batas


Sa pagtatanong sa Philippine National Police tungkol sa kanilang cybersecurity personnel,
natuklasan din ni Cayetano na malayo sa ideal ang kanilang budget sa programa dahil ang
kanilang 2024 budget para sa Information System Strategic Plan (ISSP) para sa 2023-2025 ay
hindi bababa sa P100,000 lamang kada rehiyon.


“It’s a good start… pero mas kumplikado rin pala [ang hiring] sa PNP. Ang sweldo kasi nila ay
parallel to the rank. Kung may cyber expert sila pero major, hindi naman pwedeng mas mataas
ang sweldo niya sa general. That would be a complication for both. Let’s have a separate
discussion on this,” sabi ng senador.


Gayunpaman, binigyang-diin ni Cayetano ang pangangailangan ng gobyerno na pondohan ito
para sa PNP at militar dahil ang “future wars will be fought in cyberspace.”


Sa pagtatapos ng talakayan, inalok ng senador ang DICT at mga ahensya ng gobyerno na
magsumite ng kanilang mga plano, na kinabibilangan ng pagkuha ng mas maraming cyber
expert sa gobyerno upang tugunan ang mga alalahaning ito, bago ang Senate 2024 budget
deliberations sa Nobyembre.

BASAHIN  Medical Cannabis Bill maipapasa na sa Kamara


“We can include in our committee report these other resources that you need,” alok niya.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA