Nasakote ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang magtiyuhin matapos ang ikinasang buy bust operation at makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu, kahapon ng umaga sa Barangay Don Bosco.
Sa report ng station drug enforcement unit (SDEU) Personnel ng Parañaque City Police Station, naaresto ang 39-anyos na alyas Julius at pamangkin na si alyas Juvilyn sa naganap na buy-bust operation sa Brgy Don Bosco Parañaque City, Miyerkules ng umaga.
Ayon kay PBGen. Mark D Pespes, Officer-in-Charge ng Southern Police District (SPD), nakumpiska sa mga suspek ang tinatatayang nasa 50 gramo ng shabu na nasa ₱340,000.00 ang halaga at buy-bust money.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative and qualitative analysis.
Kinasuhan ang magtiyuhin ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakakulong sa Parañaque detention cell.