33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

17,500 na ofws, pwede nang umuwi mula lebanon;pagkakaligtas ng ofw sa hamas, tila eksena sa pelikula

INIANUNSYO ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon nitong Linggo na nag-aalok sila ng
repatriation para sa 17,500 na OFWs na nagnanais makauwi ng Pilipinas.


Ito ay ginawa matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 3, o ang
voluntary repatriation.


Ayon kay Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat, “We heard that a number of Lebanese
families living near the southern border with Israel have already left the area and have come
here to Beirut… [There] is a lot of “uncertainty” in the area at the moment.”


Umabot na sa 59 mga Pilipino sa Israel, na karamiha’y OFWs ang humihiling na makabalik na
sa Pilipinas dahil sa lumalalang digmaan. Inaasahang madaragdagan pa ito dahil sa sunod-
sunod na pambobomba sa Gaza at labis na karahasan sa boundaries ng Israel.

BASAHIN  Mahigit ₱10-M jackpot sa Lotto 6/42, tinamaan


Samantala, animo’y isang eksena sa pelikula, ang nangyari sa isang Pilipino caregiver, si Joey
Pagsulingan. Nakaligtas siya sa aktuwal na pag-atake ng grupong Hamas sa southern Israel
noong Oktubre 7.


Dahil mabilis siyang nakapagtago sa bomb shelter, kaya hindi siya na-hostage o nabaril. Pero
napatay ang kanyang Israeli employer matapos na tumanggi itong sumama sa kanyang sa
shelter.


Kahit pilit na binubuksan ng ilang miyembro ng Hamas ang pinto, hindi sila nagtagumpay, pero
matapos paulanan ng bala ang pinto bago sila umalis, tinamaan sa braso si Pagsulingan,
nabigyan ng first aid at agad naisugod ng ospital. Ligtas siya ngayon at nagpapagaling sa isang
ospital sa Tel Avid ang OFW.

BASAHIN  Unang grupo ng Pinoy mula Lebanon, dumating na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA