33.4 C
Manila
Monday, November 18, 2024

PCSO, kakasuhan ang ilegal na online lottery

SINABI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na titiyakin nila ang integredad ng
loterya sa bansa.


Ayon kina PCSO General Manager Mel Robles at Director Felix Reyes nitong Oktubre 23, sila
raw mismo ang magpa-file ng kaso laban sa mga indibiduawal na sangkot sa hindi awtorisadong
online lottery operations sa bansa.

Sinabi ni Robles na nawawalan ng bilyong pisong kita ang PCSO dahil sa ilegal ng operasyon
ng mga loterya.
“Hindi tayo nagbibiro. Kakasuhan at ipakukulong natin ang lahat ng may kagunayan sa iligal na
operasyong ito para mahinto na ang kalokohan nila,” saad ni Robles.


Nai-file na ang kasong criminal sa Mandaluyong Prosecutors’ Office laban sa apat na
kumpanya: Eplayment Corporation, Paymero Technologies Limited, GlobalComRCI
International at Blockchain Smart-Tech Co. I.T. Consultancy.

BASAHIN  GoTyme Bank: Walang convenience fee


Idiniin ni Robles na ang mga ilegal na operasyon ng mga nabanggit na kumpanya ay hindi
lamang nakababawas sa kita ng PCSO, kundi nakasisisra rin ito ng tiwala ng publiko sa
loteryang ginagawa ng PCSO.


Ang reklamong criminal ay nag-ugat sa imbestigasyon na isinagawa ng National Bureau of
Investigation, na napatunayang ang grupong ito ang may pakana at responsible sa operasyon,
pagmamay-ari at administrasyon ng Pakilotto at Surelotto.


“The PCSO is fully committed to ensuring that those involved face the appropriate legal
consequences for their actions,” pagtatapos ni Robles.

BASAHIN  2 bettor maghahati sa ₱121-M jackpot sa Mega Lotto

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA