MATAGAL nang overdue.
Ito ang pahayag ni Bohol D3 Rep. Alexie Tutor tungkol sa pagtatayo nang National Forensic
Service (NFS) sa bansa, sa harap ng tumataas ng bilang ng hazing, cybercrime, rape, at illegal
drugs.
Ayon pa sa chair ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation, kailangang
agad na maitatag ang NFS batay sa konsultasyon sa mga eksperto sa medisina at scientists.
Planong ilagay sa ang NFS sa ilalim ng Department of Science and Technology (DoST) para
matiyak na ito’y propesyonal at maging independent ang pagiging objective ng bawat resulta.
Sinabi pa ni Tutor na kailangang din ang paglikha ng “professional law on forensics”.
“Dahil sa laganap na kaso ng hazing, cybercrime, rape, at illegal drugs sa buong bansa, pabor
ako na magkaroon ng professional law para sa forensics. Panahon na rin para magkaroon ang
ating bansa ng isang national forensics service. Kailangan ng Pilipinas ang mga ito,” saad ni
Tutor.
Balak ding magsagawa ng konsultasyon sa mga eksperto sa bansa, maging sa Southeast Asia,
Taiwan, Japan, Korea, Australia at United States.
Habang nililikha pa ang panukalang batas, kailangang munang madagdagan ang bilang ng
forensic pathologists sa bansa. Idinagdag pa ni Tutor na pwedeng magsimula ang pagpapahusay
ng Pathology department ng the University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-
PGH) and the chemistry, biology, and physics departments of UP Manila at Diliman.
“Maaari itong pondohan sa 2024 national budget kung ang University of the Philippines ay
sasang-ayon dito,” dagdag ni Tutor.
Nilinaw ni Tutor na magiging epektibo ang forensic profession kung magkakaroon ito ng tatlong
sangay – medical pathology, financial forensics, at digital forensics.
Samantala, sinabi ng isang observer na hindi lang dapat ipailalim sa DoST ang proposed NFS,
dapat munang pag-aralan kung aling ahensya ng gobyerno dapat itong isailalim. Pero
importante na ang opisyal ng NFS board ay magmumula sa kinatawan ng DoST, DoH, PNP,
UP-PGH, at iba pang ahensya.