33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Barko ng china sinadyang banggain ang AFP resupply mission

SINADYA nga bang banggain ng China Coast Guard ang mga barko ng ating resupply mission
sa BRP Sierra Madre?


Ayon sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), alas-6:04 ng
umaga kahapon nang banggain ng China Coast Guard CCGV 5203 ang resupply boat ng AFP na
Unaiza Mayo 2, halos13.5 nautical miles sa hilagang-silangang bahagi ng BRP Sierra Madre
na nasa may Ayungin Shoal.


Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng rotation at resupply mission ang naturang barko
ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre, nang banggain ito ng vessel ng
China Coast Guard na CCGV 5203.


“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the
crew of UM2,” ayon sa NTF-WPS. Kahit sa harap nang illegal na aksyong ito ng CCG, naging matagumpay pa rin ang resupply mission.


Nanindigan naman ang CCG at sinabing ‘legal’ ang kanilang pagharang sa mga barko ng
Pilipinas na umano’y nagdadala ng “illegal construction materials” sa BRP Sierra Madre.


Hindi pa rin dito natatapos ang harassment ng CCG, dahil matapos ito, ang Philippine Coast
Guard vessel naman na MRRV 4409 ang sinalpok ng Chinese Maritime Militia vessel na
CMMV 00003.

BASAHIN  ‘Honey’ vs ‘Isko’ sa Maynila sa 2025


Dahil dito, kinondena ng US, Canada, Germany, at iba pang bansa ang aksyon ng China Coast
Guard na naglalayung palalain ang tensyon sa West Philippine Sea.


Ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson, kinokondena ng Amerika ang ginawa ng CCG at
nagpahayag nang patuloy na suporta sa Pilipinas.


“The United States condemns PRC’s latest disruption of a legal Philippine resupply mission to
Ayungin Shoal, putting the lives of Filipino service members at risk,” dagdag pa ni Carlson sa
isang social media post.


Ayon sa task force, ang ginawang pagbangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ay
patunay sa pagbalewala ng China sa United Nations Convention on the Law of the Sea
(UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea
(COLREGS) at ang 2016 Arbitral Award.


Sinabi ng AFP na kahit anong gawin ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre – ang military outpost
nito sa Ayungin Shoal – ay wala nang pakialam ang China, dahil bukod sa ito’y nasa loob ng
exclusive economic zone ng bansa, wala umano itong banta sa kahit kaninong bansa.

BASAHIN  2 barko ng Pinas nawasak, pambobomba ng China kinondena

Sinabi ng isang legal researcher, diumano, tanging ang China lamang ang nagsasabing sa kanila
ang halos ang buong South China Sea, kasali na ang WPS, pero halos ang buong mundo raw ang
kumikilala sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Kaya dapat daw parusahan ng
United Nations ang China dahil sa ilegal na claims nito sa naturang lugar pati na rin ang
paglalagay sa panganib ng buhay ng mga Pilipinong sundalo at manlalayag.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA