33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

₱2-M shabu nasabat sa Makati

Mahigit P2-M halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kung saan target ng Makati Police ang mga nakatakas na mga suspek, kamakalawa sa Xyris St.,Cor. Adelfa St, Brgy. Pembo, Makati City.

 Ayon sa report ng pamunuan ng Makati City Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa pamamamaril sa isang lugar sa Brgy. Pembo. 

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Comembo Police Substation at nalaman na isang hindi kilalang lalaki ang nagpaputok ng baril makaraang makatunog na may pulis sa nagaganap na buy-bust .

Nang matunugan na may  PDEA operatives sa lugar, mabilis  na nagsikalasan ang mga suspek at isang alyas Queendy  ang nakapag-iwan ng Driver’s License sa inabandonang sasakyan.

BASAHIN  ₱405-K shabu nadale sa buy bust sa Makati

Nakumpiska sa lugar ang tatlong knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040,000.00 

Kasakuluyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mahuli ang mga suspek.

BASAHIN  Kalahating milyong halaga ng shabu nasabat sa 2 sekyu at kasabwat  sa Rizal

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA