33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Electric cars, aabot ng 7-m sa 2030

AABOT na sa pitong milyon ang electric vehicles (EV) sa bansa sa 2030.


Ito ay ayon sa Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), habang itinutulak ng
Department of Energy (DoE) ang pagpapabilis ng produksyon ng mga sasakyang ito.


Ayon sa datos ng VAP mayroon pa lamang 5,300 EV units sa buong bansa, kabilang ang 354
electric motorcycles at 88 electric buses.


“In the Philippines, as was previously noted, the market for EVs has grown significantly and is
expected to grow over the coming years. For the first quarter of 2023 alone, the number of EV
sales, as already emphasized, has surpassed the total EV sales for the last three years,” ayon kay
Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla, nitong Huwebes.


Sinabi ni EVAP President Edmund A. Araga sa 11th Philippine Electric Vehicle Summit, na
inaasahan ng grupo ang kabuuang 6.6 million EV stock sa 2030.

BASAHIN  Mayor Vico, masaya dahil walang aberya ang BSKE sa Pasig


Para maabot daw ito, kinakailangang kumilos ang gobyerno para makapag-prodyus ang
manufacturers ng EV na may dalawang gulong.


“We are just very optimistic that we can achieve by 2030 (our targets) in line with the support
of the government sector,” dagdag ni Araga.


Samantala, pinabibilis ng DoE ang pagpapalabas ng 10 percent ng lahat ng EVs sa ilalim ng
Comprehensive Roadmap for the Electric Vehicle Industry, mula sa initial na five percent na
kahilingan mula sa R.A. No. 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA).


Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, vice-chair, Senate energy committee, kasabay nang
pagpapalabas ng EVs, kinakailangan din ang pagtatayo ng angkop na bilang ng charging stations
para sa para mga sasakyang ito.

BASAHIN  'Kaginhawahan at pag-asa' maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo


Samantala, inihayag sa media kamakailan ng Nissan Philippines na ang kanilang bagong labas
na EV na Nissan Kick ay hindi na kailangang ang charging station dahil may sarili itong
generator na nagsu-supply ng kuryente sa makina ng kotse.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA